Wednesday, April 7, 2010

Parang Tanga

Alam niyo ba yung feeling na dapat, you are supposed to do something really, really important, as in yung tipobng fuck yeah important, pero andito ka pa din sa blog mo, nagsusulat, at patuloy ap rin na iniisip kung anong dapat gawin upang magkaroon ka ng ideas that are fresh from the oven.

For the past few days, kulang ang ideas na pumapasok sa utak ko, para inaamag na ata yung dati kong tinatawag na "writing prowess" ko. Nasaan na kaya yun? Hindi naman siguro nagtatago yun sa sulok ng bulok na mundo na pilit tinatakasan ng tao.

To hell with creative ideas. Gawa na lang tayo ng blog, baka sakali may maisip pa tayo. Teka nga, ginagawa ko na pala, para na talaga akong tanga, nauulol, nababaliw, natutulala at parang baliw na aanga-anga sa walang pakundangan na pag-ilaw ng LCD sa aking harapan.

Nakakadismaya ngayon ang aking isip, nawawalan ng kulay, parang balck and white ng digicam, buti nga hindi sepia, mas malala pa nun ang inabot ng utak at pag-iisip ko. Nakakalungkot man isipin na wala na ngang makubuluhang bagay ang napaparito sa aking isipan, ngunit, meron pa din nung mga random moments kung saan, parang poof! may inspiration ka, Yes! makakapagsulat ka nanaman ng isang makabuluhan na tanikala na maaaring ipagmalaki mo.

Oops.

Ang corny pala.

Parang you just have to sigh. Face reality, at pabayaan na maglakad na lamang ang mga daliri sa keyboard ng computer, in hopes na makakatsamba at makakagawa ng tanikalang matagal ko nang hinahanap.

Parang tanga eh, buti naman hindi mas masahol sa gago.